May nagbalik!

So eto na yung bago kong plane ticket. Sigurado na yung pagpunta ko sa Manila. Dati di ako pinayagan ni papa na umalis papuntand Manila kasi di pa daw kumpleto mga requirements ko like yung NBI clearance, ID, etc. Since makukumpleto ko na daw ngayong week, pinabili na niya ako ng bagong plane ticket.
Kanina, habang naghahanap ako ng murang plane ticket, medyo naluluha ako kasi di ako makapaniwala na aalis na ako at malalayo sa pamilya ko. Kahit di ako ganun ka-clingy sa pamilya ko, ang hirap nilang iwan. Medyo masakit sa’kin ang lumayo sa kanila. Isa rin ang dahilan ng pagluha ko kasi wala akong kaklase na makakasama ko para mag-apply ng trabaho sa Manila. Meron nga akong makakasama na mga kaibigan kaso kailangan pa namin magkakilanlan masyado.
Pero sana makahanap ako agad ng trabaho kasi ayoko maging pabigat sa pamilya ko. Anyway, titignan ko nalang ang magiging kalalabasan ng job-hunting ko sa Manila. Good luck sa’kin! :D
Malapit na ako pumunta sa Manila and may nagvolunteer na sumundo sa’kin sa airport. Yeeey!
Nakauwi na ako sa bahay at kagagaling ko lang sa hospital para bisitahin si papa after kong pumunta sa tumawag sa’kin na company dito sa Tacloban.
So akala ko interview na agad yung mangyayari pero nagpa-exam pa pala sila. Di pa naman ako prepared at wala akong dalang ballpen kanina so pinahiram sa’kin yung sign pen ng interviewer. After naming magtake ng exam, may pinasulat na naman sa’min sa papel. Essay essay daw. As usual, tinamad ako sa pagsulat ng essay so minsan one sentence lang sinusulat ko sa isang item. Hahaha! Tapos isa isa kaming tinawag palabas ng exam room. Nung ako na yung tinawag, sabi ng interviewer na bumalik daw ako 1pm para sa interview. So masaya ako sa aking narining at umuwi ako agad para maglunch.
After ko na maglunch, bumalik ako dun sa opisina nila 10 mins before 1pm. So nagsimula agad yung interview eksaktong 1pm. Ako yung unang tinawag. Ang daming tanong sa’kin pero nasagutan ko naman. Ang daming position yung inoffer sa’kin kaso parang gusto ko yung isa kasi magtatravel travel daw from Northern Luzon to Mindanao. Hahaha! At biglang hinanap sa’kin yung TOR ko tapos sabi ko na nasa UP Iloilo pa kaya di ko pa maibibigay. So sabi niya na kahit TCG daw will do na and certificate of graduation na rin. At sabi niya na ipasa ko daw agad para makapagset na naman siya ng interview para sa’kin bukas. After nun, tapos na yung interview namin at pumunta ako agad sa school at kumuha ng TCG ko at certificate of graduation. Then bumalik ako agad para ipasa yung TCG and certificate of graduation at magseset nalang daw siya ng interview ulit.
Actually di ko alam kung gusto ko yung trabaho pero parang gusto ko lang ma-try kung paano ang application process. At ako pala ang overdressed kanina sa mga nag-apply kasi ako lang yung naka-corporate attire sa lahat ng mga nag-apply. :)))
Four months from now, UAAP Cheerdance Competition na naman and I’m very much interested and excited to watch. Sino rin gusto manood? Hahaha!
To my mothers who raised me up and supported me unconditionally, thank you and Happy Mother’s day!
(Source: dylinquent, via dalecute)
ID Picture ba? Sa’kin ka na magpapicture! Mura lang!
To my mothers who raised me up and supported me unconditionally, thank you and Happy Mother’s day!
